Sa labing-apat na taong pamamalagi sa
mundo
Nakita ko ang iba't ibang gawi ng tao
Ako'y nagbabaybay sa ganda ng palasyo
At napatunayang kasiyaha'y may kakambal na gulo
Ako'y nagbabaybay sa ganda ng palasyo
At napatunayang kasiyaha'y may kakambal na gulo
Nasilayan ko ang babaeng may dalang
sanggol
Narinig ang sigaw at kanyang mga ungol
Balahibo'y tumaas, Damdami'y humiyaw
Palayain! Kalayaa'y Dumudungaw
Maling paggamit ng Kalayaan!
Nagbunga ng kahirapa't kahihiyan
Ngayo'y susuungin ang bagsik ng
nakaraan
Pupunuan ang mga nakaligtaang
pananagutan
Tama! May kalayaang magmahal
Ngunit lagi lang tatandaan
Sa bawat aksyon may
kaakibat na limitasyon
Ang bawat desisyo’y nakalaan
sa tamang panahon
No comments:
Post a Comment