“Ang mamatay ng may naiambag sa
kasaysayan ng iyong bayan ay isang bagay na talagang dapat hangaan” Pag-aalay
ng iyong buhay sa iyong minamahal na lupang sinilangan at pakikipaglaban sa mga
dayuhan ay sumisimbolo ng katapatan. Nasyonalismo ang tawag diyan. Isang
salitang binubuo ng labing-dalawang letra na may malalim na kahulugan. Pagdating
sa bilang ng mga magigiting na pambansang bayani, ang Pilipinas ay isa sa mga
nasyong nagtataglay ng mga ito. Ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay ng
walang pag-aalinlangan ay itinuturing natin na mga bayani. Kaya natin
ginugunita ang mga araw nila, upang sariwain ang kanilang paghihirap na ginawa;
dahil kung wala sila marahil ay hindi natin natatamasa ang kalayaan na
hinahangad nila noong mga araw na sila’y dumaranas pa ng hirap sa kamay ng mga
dayuhan. Sa ating modernong henerasyon kahit ang mga hayop ay nagiging bayani
na rin dulot ng pagligtas nila sa ating mga tao. Kaya’t hindi lang si Jose
Rizal ang dapat nating hangaan, dapat din nating kilalanin ang ibang mga
bayaning kapuri-puri ang kadakilaan .Kilala mo ba ang Ama ng Himagsikang
Pilipino? Mahalaga na siya’y makilala natin dahil malaki ang naiambag niya sa
ating kalayaan.
Si
Andres Bonifacio Y de Castro o kilala rin sa mga katagang “Anak ng bayan” at
“Agapito Bagumbayan” ay isang bayaning Pilipino at Supremo ng Kilusang Katipunan.
Ipinanganak siya sa Tondo, Manila noong Ika-30 ng Nobyembre taong 1863. Ang
kanyang ama ay si Santiago Bonifacio na isang mananahi at ang kanyang ina naman
na si Catalina de Castro na isang mestisang ipinanganak mula sa isang Kastilang
ama at isang inang Plipinong may lahing Tsino. Siya rin ang panganay sa anim na
magkakapatid; tatlong lalaki at dalawang babae.
Maraming
artikulo ang at kwentong anthropologo ang lumutang patungkol sa kanya sa
kasalukuyang panahon, at walang nilikha ang makakapagpatunay sa mga kwentong
isa. Ayon sa isang bahagi ng librong Asian History > Philippines, noong may
mga magulang pa siya ay mayroon pa silang kayamanan. Di gaanong marangya ngunit
hindi mahirap na mahirap. Taliwas sa nasasaad, ayon sa Sibika at Kultura Baitang
Lima, mahirap talaga ang kanyang pamilya. Ngunit nagkakaisa ang mga librong ito
sa katotohanang lubhang naghirap si Andres Bonifacio nang mamatay ang kaniyang
mga magulang. Sa edad na labing-apat natuto na itong tumayo sa sariling mga
paa. Nasaksihan niya ang hirap ng ilang kababayang Pilipino at pang-aalipusta
ng mga Espanyol. Nagtinda ito ng ratan, baston at pamaypay na gawa sa papel de
hapon sa harap ng mga simbahan. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent
at bodegista (warehouseman). Naging theater actor din itong si Andres Bonifacio
at ang paborito niyang character ay si Bernardo Carpio, isang malaalamat na tao
na may pambihirang lakas.
Sa
kabila ng hirap ng buhay natuto itong magbasa at magsulat sa pamamagitan ng
pakikinig mula sa labas ng mga silid-aralan. Ayon sa ilang pag-aaral, mabilis
niyang natutunan ang mga asignatura sa paaralan at mahilig siyang magbasa nga
mga may kabuluhan tulad ng karapatang-pantaoat kasarinlan ng inang-bayan lalo
na ang nobela ni Dr. Jose Rizal.
Nang
siya ay naging binata, nakasali siya sa ilang maliliit na kilusan. Pinilit ni
Andres itayo ang Pamahalaang Malaya kaya itinatag ang KKK. Noong Hulyo 7, 1892,
itinatag niya ang isang sekretong organisasyon, ang Katipunan omKataastaasang
Kgalanggalangang Katipunan ng mga ank ng Bayan na kanyang pinamumunuan na may
dalawang sangay ang Magdalo at ang Magdiwang. Isa sa kanilang estratehiya ay
ang maliitang pagkuha ng mga armas at biglaang pagsupil. Karaniwan sa kanila ay
mayroong salakot kung kaya’t hindi medaling matukoy ng Espaniya. Dito nabuo ang
pagkakaibigan nila Emilio Jacinto na
naging kanyang tagapayo at katiwala. Naging kasapi din nila si Emilio
Aguinaldo at ang pinsan niyang si Baldemero Aguinaldo na namumuno sa sangay ng
Katipunan na tinatawag na Magdalo. Naglalayon ang Magdalo na maitaboy ang mga
manlulupig na Kastila upang makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas. Sa
pagtatatag ng Katipunan kinilala si Andres Bonifacio bling Ama ng rebolusyon sa
Pilipinas. Nagsimula ang rebulosyon sa San Juan del Monte ngunit sa simula ay
hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kaulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa
pinaglalaban. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para
makipaglaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba’t ibang laban na nakapagtaboy sa mga
Espanyol ng panandalian. Di nagtagal natalo ni Aguinaldo at iba pang katipunero
ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilio de Polavieja sa
labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Ngunit lalong nagkaroon ng malaking agwat
ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at ang Magdiwang. Dahil ditto,
napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Sa gitna ng rebolusyon,
isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite sa kahilingan ng mga Katipunerong
Magdalo. Nanalo sa pagkapangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang
Magdalo.
Dahil
sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga mayamang tao sa hilagang-kanlurang bahagi
ng Cavite, hindi nila sila pabor kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay laki sa
hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na
kagaya ng Supremo kaya’t minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan
nila ang kakayahan ni Bonifacio na gawin ang tungkulin ng Tagapangasiwang
Panloob na ayon sa kanila gawain lamang ng isang abogado, nainsulto si Andres.
Idineklara ng Supremo bilang pangulo ng Katipunan na walang bisa ang naganap na
eleksiyon dahilan sa pandarayasa botohan ng mga Magdalo.
Samantala,
ayon sa pananaliksik, sa panahon ng tagumpay ni Aguinaldo ay nagpa-plano ito
upang pabagsakin si ang ama at utak ng katipunan na sina Bonifacio at Jacinto.
Umigting pa ang sigalot sa mga reblusyong lider. Gumawa ng paraan si Emilio
Aguinaldo upang mawalan ng tiwala ang mga Katipunero kay Bonifacio. Hanggang sa
sumapit ang panahon na nagplanong maigi si Aguinaldo upang masupil si
Bonifacio. Matapos mapilit si Andres na dumalo sa isang pagpupulong ay inatake
ng mga kakampi ni Aguinaldo ang panandaliang pinagkakatungkulan nina Andres.
Maraming kakampi si Andres na namatay dahil sa lakas ng puwersa ni Aguinaldo at
nasabing napagsamantalahan naman si Gregoria. Panandaliang nakatakas si Andres
at ang kanyang kapatid na si Procopia ngunit agad din silang nahuli. May ilang nagsasabi
na pinatay silang dalawa sa salang pagnanakw ng pera ng Katipunan sa
pamamagitan ng droga. Ilan naman ay nagsasabing pauli-ulit na sinaksak at
pinahirapan at ilan din ay nagsabing pinugutan sila sa Bundok Maragondon/Mt.
Tala. Nagsilbing inspirasyon si Bonifacio kay Macario Sakay at Emilio Jacinto
na ipagpatuloy ang Katipunan.
Nagtapos
man ang buhay ni Andres na animo’y isang bagunguot sa kaniyang panahon, siya ay
isang tunay na nasyonalistang Pilipino, na sinupil ng mga tiwaling kapwa
Pilipino. Buhay ni Gat Jose Rizal kastila ang nagtapos, Andres Bonifacio’y
Pilipino ang bumaboy. Hangad niya’y kapayapaan, hanggad naman nila’y
kapangyarihan. Kaya’t karapat-dapat siyang makilala sa kasalukuyang henerasyon
upang pinuno’y di matulad sa buwaya. Pinatunayan niya na ang tunay na esensiya
ng edukasyon ay hindi lamang turuan ang mag-aaral kundi ang matutunan ng
mag-aaral na turuan ang kaniyang sarili. Natutunan ni Andres na ipamalas ang
katapatan at pag-ibig sa bayan hindi sa pansariling kapakanan. Hindi man niya
nasaksihan ang paglaya ng bansang Pilipinas, siya naman ang nagpasimula ng pagbabago
at patuloy na makapagpapabago sa buhay ng mga kabataan sa kasalukuyan at
hinaharap na panahon. Ang nakaraan ma’y di na maibabalik, ang ala-ala man ay
nawawaglit ngunit ang mundo’y tiyak na saksi sa kadakilaang ipinakita ng ating
magiting na bayani: Andres Bonifacio! Isang biyayang di mananakaw.
No comments:
Post a Comment