Thursday, October 10, 2013

Monologue Piece

MONOLOGUE: "Mahal pala nila ako"  by: Sophia Vien Andongo

         Pamilya! Hhh... Ano ba iyon? eh wala nga ata ako nun eh! sa bahay namin away dito, away doon, nadaig pa nga ata namin ang kaingayan sa palengke. Kaya doon sa bahay na iyon ayokong umuwi, mas gugustuhin ko pang tumambay kasama ang barkada kaysa naman umuwi ng maaga kasama ang pamilya.
         Hindi naman nila ako pinapansin buti pa ang mga barkada ko kapag nananalo ako sa paligsahang sinasalihan ko halos magtatalon sila sa tuwa sa katunayan mas masaya pa nga sila kaysa sa akin. Eh sa bahay "Nanalo ka? " Walang bilib sa kaya kong gawin. Hindi nila ako naiintindihan. Nagaaral naman ako ng mabuti, ang gusto ko lang naman mahalin nila ako kahit ganito ako. Yung mamahalin ka kahit hindi ka nananalo sa mga Contest. Paano ba naman ayaw nila sa akin, Yung kapatid ko? yun lang naman ang paborito nila.
         Wala akong kakampi, Galit na galit ako sa kanila noon. Akala ko ba ang kahulugan ng pamilya ay "Nobody gets left behind" Bakit ako palaging naiiwan? Pero ngayon ko lang nalaman na ang kahulugan ng pamilya ay hindi lang walang naiiwan kundi may pagmamahalang walang hinihinging kapalit. nabulag ako noon. Hindi ko nakita ang mga magagandang bagay na nagawa nila. Mahal din pala nila ako. Kung mababalik ko lang ang mga panahong nasayang dahil sa pagiging madamot ko. Kaya't ikaw! Oo Ikaw! Pahalagahan mo ang pamilya mo, nagiisa lang sila. Oh sige nandito na pala sila. Salamat sa pakikinig.

No comments:

Post a Comment

Minsan kaya nahihirapan tayo magmove on...

1. Dahil iniisip natin na wala ng mas better na darating. Nakafocus na tayo sa future na pinlano natin with him/her... pero paano yung plano...