Tuesday, October 13, 2015

Bilang isang mag-aaral ano ang iyong magagawa para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa?  

Para sa ating kagalang-galang na guro, mga butihing kamag-aral, at mga kaibigan. Isang magandang araw sa inyong lahat. Sa aking labing-anim na taong nabubuhay dito sa Pilipinas, napatunayan kong pinagpala ang ating bansa, hindi lamang sa angkin nitong yaman sa lupa pati narin sa yamang tubig at mineral ngunit lingid sa aking kaalaman ang kahirapan na nararansan ng ating mga kababayan sa iba't ibang lugar. Hindi ko nakita ang kadiliman na kanilang nararanasan dahil sa ako'y magaaral pa lamang. Ngunit sa simpleng paraan nais kong ipahatid sa inyo ang aking munting suhestiyon o ideya upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. 
Hindi man ako kasing yaman ng mga kilalang mga tao, matutulungan kong mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa apat na paraan. 
Una, Tatangkilikin ko ang sariling atin o ang sariling produkto ng Pilipinas. kapag ako'y bibili ng mga kagamitan sa eskwela, ng mga damit, o kahit pagkain. Naniniwala ako na sa simpleng paraan ay may naiambag iyon upang mapaunlad ang ating ekonomiya.
Pangalawa, Hindi ako magtatapong ng ultimo sentimo kung saan saan dahil alam kong may halaga parin ito. Hindi ko ikakahiya na magbayad ng sentimo dahil naniniwala ako na isa ito sa pinakamagandang maiaambag ko para sa bansa. 

Pangatlo, hindi ako magtatago ng pera sa alkansya sa kadahilanang sinisira nito ang tinatawag na "flow of money" ng isang bansa. Sa halip, babawasan na lamang ang mga walang kwentang pinaggagastusan upang mapagkasya ang pera at magamit sa tamang bagay. 
Pang-apat at panghuli, nais kong ipaalam sa inyo na kung maari ay pakihanap ang mga nawalang sentimo o barya upang matulungan ang mamamayan at sariling bansa. Dahil ako'y mag-aaral pa lamang, ang aking apat na nabanggit ay ang mga kaya kong gawin upang matulungan ang ating bansa sa simple at maliliit na paraan.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pag-unlad ng ekonomiya ang higit nating kailangan ngayon. Napag-iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa. Hindi napapanahon ang pagsisisihan ngayon. Sa kabila ng mga problema ng ating bansa, naging matatag naman ang ating pamahalaan sa pagtaguyod ng mga programa at proyekto nito at naging maayos ang takbo. Patuloy pa rin ang malinis na adhikain ng pamahalaan na pagsilbihan ang taumbayan.

Minsan kaya nahihirapan tayo magmove on...

1. Dahil iniisip natin na wala ng mas better na darating. Nakafocus na tayo sa future na pinlano natin with him/her... pero paano yung plano...