Friday, February 12, 2021

Minsan kaya nahihirapan tayo magmove on...


1. Dahil iniisip natin na wala ng mas better na darating. Nakafocus na tayo sa future na pinlano natin with him/her... pero paano yung plano ni Lord? In this season ng buhay ko I've learned to trust God. Medyo planner kasi akong tao... Gusto ko nakaorganized na lahat, or nakaplano na bago ko gawin kaya nafrufrustrate ako kapag naiiba... Hehehehe kaya sobrang laking tulong yung break up sakin to finally break that mindset and just trust God whatever happens. 😊 Trusting God in the uncertainty! Mas masaya pala kapag hinhayaan lang si Lord... Less stress pa 😊
2. Dahil nabox na tayo sa pakiramdam kasama siya. Yung sobra na tayong comportable kasama siya kaya hirap magadjust nung nawala. Pero kapag natutunan mo ng i-let go yun ... Mas makikita mo na mas masaya palang unahin ang sarili ngayon. Piliin ang sarili at mga taong nanatiling suportahan ka like family, friends, churchmates etc.
3. Iniisip natin na may kulang sa atin. Nasasabi natin na if I do this and do that hindi sana siya mawawala. Wag sisihin ang sarili, patawarin ang sarili pero wag kalimutan yung lessons na natutunan. If you'll go back pages to pages you'll see things and situations na mali that lead to break up. Baunin iyon para mas maging better person. Sabi nga ni Toni G: "You will never be too much, nor less, too crazy for the right person"
4. Yung pagmomove-on hindi mabilisan. I tell you 😊 pero possibleng hanggang months... Or even days lang. Kung makita lang natin yung bigger picture bakit nangyari yun. Heartbreak and rejections is God's protection. Isa ito sa natutunan ko 😊 Kung ikaw yung tipo ng tao na dedma lang kpg nagbreak... Good for you. Pero kung ikaw naman yung taong ginawa mo na yung best mo pero nareject parin... Good for you din 😊 kasi hindi hinayaan ni Lord na masaktan ka forever. Kung hindi kayang ihandle yung maturity, immaturity and belief mo--- wag ka iiyak ng matagal. May darating na para sayo...
Isa pa sa natutunan ko: Learn to guard your heart ❤️ puso na umaasa lang sa Panginoon. Puso na kahit mawalan ng partner buo parin dahil si Lord ang nagbuo kaya kahit sirain ng sinong tao... Hndi prin matitibag 😊

People love you now and forget.
But God loves you now and forever.

Friday, April 6, 2018

Mystery of Arendelle’s mirror


Mystery of Arendelle’s mirror
By: Sophia Vien C. Andongo


Long time ago, in the city of pines (Baguio City), there was an 11 year old girl and her single mother just moved in to a new house. Sadly she hates it because she misses all her classmates, her old bedroom, old school and all.

"Ok Arendelle. What do you think of our new house?" her mother asked but she did not reply. A four hours long journey including packing up made her so tired.

So her mom suggested her to explore the new house while she and the deliver agents unload the stuffs on the truck. 

So she looked around and went up upstairs. She found a closet in her new bedroom. She turned on the light and found a mirror in front of her. Curiously Arendelle carefully examined the mirror. It really bothers here that why would anyone put a mirror in a closet where nobody would find it. 

Then she notice that the reflection is different. On the mirror, the reflection seems cleaner, brighter and more joyful. Birds are singing a new song with their happy chirp. Where on her own world, it's dull grey and dark and filled with dust and spider webs. 

With full of great happiness, she starred at the mirror for a long time. With her palm gently touch on the mirror, she felt something strange...like a water surface, her hands felt cold and wet. With a full force, she fell into the other side of the world and onto the ground. 

She got up her feet and found herself a new world...

“Wow, What is this world?” She amazingly said.

She was very shocked when she heard a strange voice saying . . .

“Who is that girl trespassing our world. Did you know her Cleophant?”

“No, I don’t know her Aristurtle.”

Arendelle quickly find where are the voices came from. She was surprised when she saw that there was a talking elephant and a turtle.

“What are you?” curiously she questioned.

“Why are you here trespassing our land?” They say with head up high.

“I don’t know how I came here, I don’t even know this place.”

Cleophant and Aristurtle take Arendelle a tour. They show the place of the giant lizards, the monster plant and every living thing there. They had a great time without knowing that it is already time for dinner.

Aristurtle prepared a delicious dinner for the three of them made with a special fingers of a dinosaur melted in the mouth of the dragon and topped by the cockroaches, bugs and mosquitoes.

“Tada! Here it is. I have prepared a very special dinner for our guest.”

“Wow, looks so yummy. I wanna eat.” Cleophant excitedly said. But Arendelle’s eyes began to widen, she was startled upon seeing the food.

“Why, you don’t want what I prepared?” Cleophant felt so disappointed and began to cry.

“Don’t cry Aristurtle. Please understand me. We, humans don’t eat something like that. We usually eat foods like cooked eggs, meats, vegetables and fruits. Don’t worry I’ll prepare mine for me to eat. ” She explained wholeheartedly.

While, Arendelle was on the kitchen cooking an egg, everyone shouted and screaming. She went outside to see what’s happening. She began to feel afraid when she saw a black Queen wearing a big diamond shaped crown glittered with crystals.

The black Queen with a disgusting face and smells like rotten rat wearing a big diamond shaped crown glittered with crystals is the queen of “Abandoned Land” and that is the place where Arendelle is.

“Who is this new kid here? Is she a bad person also? Bad persons are lovely to eat. Come kid! .”

Arendelle’s heart beats so fast that anyone can hear it. Even though she don’t understand, she walked slowly until she reached The Black Queen.

“Am I Beautiful? Tell me or else I’m gonna eat you.” The black Queen questioned directly.

“Yes! Yes! Indeed you are beautiful with a scent of a caramel.” Arendelle replied.

“HAHAHA ! Liar! Truly You are for this place. You will be abandoned here alone while your mother is up there mourning for your presence.”

“Wh-what? No. Please Black Queen. NOOOO!.” Arendelle hopelessly cried and feel so guilty for everything.

“Don’t cry child. You will love here. I and Aristurtle will teach you.” Cleophant said.

“ No. I want my mom. I need my mom. If only I could bring back the time. I will do it. I will take care of her. She’s the only one left in me.” Arendelle can’t stop from crying.

Aristurtle is so quiet and thinking about the solution of the problem.

“Arendelle, There is a solution! I’ve heard this from Galilegoat. There was also a girl trap here 15 years ago. He said that you have to cross the Golden river then get the key of light from Dragonara and then that’s it. The key will bring you to the portal.” Aristurtle said with a big hope.

Arendelle’s face can paint now, without further ado they packed up and started the journey. They cross the golden river with might that when they fall, crocodiles will eat them. At last they reached the cave of Dragonara. Aristurtle and Cleophant are so afraid beacause of darkness and irritating noise but Arendelle’s fear was covered with hope and determination. Dragonara was deeply asleep, then Arendelle bravely jump into its back and slowly walk as if walking in the moon. Then suddenly Dragonara wake up not because of Arendelle but because of the noise coming from Cleophant and Aristurtle. Dragonara wiggle and stretch its wings and its face is so angry but the anger faded when Dragonara saw Arendelle.

“Seems like I have seen You 15 years ago.” Dragonara whispered.

“Even though you don’t understand please Dragonara give me the key so I can go back to my world.” Arendelle pleaded.

“And you said the same thing?” Dragonara was so curios, to break it, Dragonara ask the same riddle he questioned 15 years ago.

“If you could answer it without helping of this two, I will give you the key. What relation would your father’s sister’s sister-in-law be to you?

The cave covered with silence that even the falling of a needle could hear.

“Ahuh! It’s my mother.” Arendelle answered with confidence.

“Wow. Is it really you I’ve seen Years ago? Is it you Elsa?”

“What did you just said? Elsa. That’s my mother. she’s been here before?”

“Yes. Here is the key. Go and be united. Quick! The door will be close before sunset..” Dragonara smiled.

Arendelle was so happy. She can go back now to her world.
“Please don’t forget us Arendelle. Cleophant and Aristurtle will always be your friend.”  They said with tears in their eyes.

“Of course I will not forget all your goofiness, the laughter and all. Thank you very much. You will always be in my heart. I think it’s time to say good bye.”

Arendelle opened the door through the key and everything has been set right. The time on earth didn’t change. She ran down to hug her mother.

“Mom sorry for everything, I love you mom, I will always be at your side.”

Tears may fall, world will end but the happiness and adventure of Arendelle’s mirror will stay in her heart and soul forever. And they lived happily ever after.

Sino si Andres Bonifacio at Bakit Mahalaga na Makilala siya ng Kasalukuyang Henerasyon?


Sino si Andres Bonifacio at Bakit Mahalaga na Makilala siya ng Kasalukuyang Henerasyon?
                                                            By: Sophia Vien C. Andongo
“Ang mamatay ng may naiambag sa kasaysayan ng iyong bayan ay isang bagay na talagang dapat hangaan” Pag-aalay ng iyong buhay sa iyong minamahal na lupang sinilangan at pakikipaglaban sa mga dayuhan ay sumisimbolo ng katapatan. Nasyonalismo ang tawag diyan. Isang salitang binubuo ng labing-dalawang letra na may malalim na kahulugan. Pagdating sa bilang ng mga magigiting na pambansang bayani, ang Pilipinas ay isa sa mga nasyong nagtataglay ng mga ito. Ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay ng walang pag-aalinlangan ay itinuturing natin na mga bayani. Kaya natin ginugunita ang mga araw nila, upang sariwain ang kanilang paghihirap na ginawa; dahil kung wala sila marahil ay hindi natin natatamasa ang kalayaan na hinahangad nila noong mga araw na sila’y dumaranas pa ng hirap sa kamay ng mga dayuhan. Sa ating modernong henerasyon kahit ang mga hayop ay nagiging bayani na rin dulot ng pagligtas nila sa ating mga tao. Kaya’t hindi lang si Jose Rizal ang dapat nating hangaan, dapat din nating kilalanin ang ibang mga bayaning kapuri-puri ang kadakilaan .Kilala mo ba ang Ama ng Himagsikang Pilipino? Mahalaga na siya’y makilala natin dahil malaki ang naiambag niya sa ating kalayaan.
Si Andres Bonifacio Y de Castro o kilala rin sa mga katagang “Anak ng bayan” at “Agapito Bagumbayan” ay isang bayaning Pilipino at Supremo ng Kilusang Katipunan. Ipinanganak siya sa Tondo, Manila noong Ika-30 ng Nobyembre taong 1863. Ang kanyang ama ay si Santiago Bonifacio na isang mananahi at ang kanyang ina naman na si Catalina de Castro na isang mestisang ipinanganak mula sa isang Kastilang ama at isang inang Plipinong may lahing Tsino. Siya rin ang panganay sa anim na magkakapatid; tatlong lalaki at dalawang babae.
Maraming artikulo ang at kwentong anthropologo ang lumutang patungkol sa kanya sa kasalukuyang panahon, at walang nilikha ang makakapagpatunay sa mga kwentong isa. Ayon sa isang bahagi ng librong Asian History > Philippines, noong may mga magulang pa siya ay mayroon pa silang kayamanan. Di gaanong marangya ngunit hindi mahirap na mahirap. Taliwas sa nasasaad, ayon sa Sibika at Kultura Baitang Lima, mahirap talaga ang kanyang pamilya. Ngunit nagkakaisa ang mga librong ito sa katotohanang lubhang naghirap si Andres Bonifacio nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Sa edad na labing-apat natuto na itong tumayo sa sariling mga paa. Nasaksihan niya ang hirap ng ilang kababayang Pilipino at pang-aalipusta ng mga Espanyol. Nagtinda ito ng ratan, baston at pamaypay na gawa sa papel de hapon sa harap ng mga simbahan. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Naging theater actor din itong si Andres Bonifacio at ang paborito niyang character ay si Bernardo Carpio, isang malaalamat na tao na may pambihirang lakas.
Sa kabila ng hirap ng buhay natuto itong magbasa at magsulat sa pamamagitan ng pakikinig mula sa labas ng mga silid-aralan. Ayon sa ilang pag-aaral, mabilis niyang natutunan ang mga asignatura sa paaralan at mahilig siyang magbasa nga mga may kabuluhan tulad ng karapatang-pantaoat kasarinlan ng inang-bayan lalo na ang nobela ni Dr. Jose Rizal.
Nang siya ay naging binata, nakasali siya sa ilang maliliit na kilusan. Pinilit ni Andres itayo ang Pamahalaang Malaya kaya itinatag ang KKK. Noong Hulyo 7, 1892, itinatag niya ang isang sekretong organisasyon, ang Katipunan omKataastaasang Kgalanggalangang Katipunan ng mga ank ng Bayan na kanyang pinamumunuan na may dalawang sangay ang Magdalo at ang Magdiwang. Isa sa kanilang estratehiya ay ang maliitang pagkuha ng mga armas at biglaang pagsupil. Karaniwan sa kanila ay mayroong salakot kung kaya’t hindi medaling matukoy ng Espaniya. Dito nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto na  naging kanyang tagapayo at katiwala. Naging kasapi din nila si Emilio Aguinaldo at ang pinsan niyang si Baldemero Aguinaldo na namumuno sa sangay ng Katipunan na tinatawag na Magdalo. Naglalayon ang Magdalo na maitaboy ang mga manlulupig na Kastila upang makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas. Sa pagtatatag ng Katipunan kinilala si Andres Bonifacio bling Ama ng rebolusyon sa Pilipinas. Nagsimula ang rebulosyon sa San Juan del Monte ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kaulangan ng armas, na isa  sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa pinaglalaban. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makipaglaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba’t ibang laban na nakapagtaboy sa mga Espanyol ng panandalian. Di nagtagal natalo ni Aguinaldo at iba pang katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilio de Polavieja sa labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Ngunit lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at ang Magdiwang. Dahil ditto, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo. Nanalo sa pagkapangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo.
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga mayamang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Cavite, hindi nila sila pabor kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya’t minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan nila ang kakayahan ni Bonifacio na gawin ang tungkulin ng Tagapangasiwang Panloob na ayon sa kanila gawain lamang ng isang abogado, nainsulto si Andres. Idineklara ng Supremo bilang pangulo ng Katipunan na walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa pandarayasa botohan ng mga Magdalo.
Samantala, ayon sa pananaliksik, sa panahon ng tagumpay ni Aguinaldo ay nagpa-plano ito upang pabagsakin si ang ama at utak ng katipunan na sina Bonifacio at Jacinto. Umigting pa ang sigalot sa mga reblusyong lider. Gumawa ng paraan si Emilio Aguinaldo upang mawalan ng tiwala ang mga Katipunero kay Bonifacio. Hanggang sa sumapit ang panahon na nagplanong maigi si Aguinaldo upang masupil si Bonifacio. Matapos mapilit si Andres na dumalo sa isang pagpupulong ay inatake ng mga kakampi ni Aguinaldo ang panandaliang pinagkakatungkulan nina Andres. Maraming kakampi si Andres na namatay dahil sa lakas ng puwersa ni Aguinaldo at nasabing napagsamantalahan naman si Gregoria. Panandaliang nakatakas si Andres at ang kanyang kapatid na si Procopia ngunit agad din silang nahuli. May ilang nagsasabi na pinatay silang dalawa sa salang pagnanakw ng pera ng Katipunan sa pamamagitan ng droga. Ilan naman ay nagsasabing pauli-ulit na sinaksak at pinahirapan at ilan din ay nagsabing pinugutan sila sa Bundok Maragondon/Mt. Tala. Nagsilbing inspirasyon si Bonifacio kay Macario Sakay at Emilio Jacinto na ipagpatuloy ang Katipunan.
Nagtapos man ang buhay ni Andres na animo’y isang bagunguot sa kaniyang panahon, siya ay isang tunay na nasyonalistang Pilipino, na sinupil ng mga tiwaling kapwa Pilipino. Buhay ni Gat Jose Rizal kastila ang nagtapos, Andres Bonifacio’y Pilipino ang bumaboy. Hangad niya’y kapayapaan, hanggad naman nila’y kapangyarihan. Kaya’t karapat-dapat siyang makilala sa kasalukuyang henerasyon upang pinuno’y di matulad sa buwaya. Pinatunayan niya na ang tunay na esensiya ng edukasyon ay hindi lamang turuan ang mag-aaral kundi ang matutunan ng mag-aaral na turuan ang kaniyang sarili. Natutunan ni Andres na ipamalas ang katapatan at pag-ibig sa bayan hindi sa pansariling kapakanan. Hindi man niya nasaksihan ang paglaya ng bansang Pilipinas, siya naman ang nagpasimula ng pagbabago at patuloy na makapagpapabago sa buhay ng mga kabataan sa kasalukuyan at hinaharap na panahon. Ang nakaraan ma’y di na maibabalik, ang ala-ala man ay nawawaglit ngunit ang mundo’y tiyak na saksi sa kadakilaang ipinakita ng ating magiting na bayani: Andres Bonifacio! Isang biyayang di mananakaw.

LOVE... what it means...

LOVE... it means a lot. Patience for mankind. Kindness to unkind. Compassion to the lost. Care for a cause.
LOVE... They remain on my side Through ups and downs been with me all this time supported all my fights to the end of my life Their love is on top.
LOVE... a passionate love a man and a woman eyes on them see how they giggle through sorrow and pain through sun and rain through sickness and in health a vow that is so sure
LOVE... "this is my dream This is my love I love what I do I achieve what I perceive I persist till I succeed I wrestle in this battle not tired... never will stop... for love moves me”
LOVE... Blinds all things Awakens all things Rejects all things Bears all things Believes all things Covers all things Endures all things It never ends...
Oh LOVE... What else I don't know? Alas! He came... The Man who showed great love He himself is love To gain His love is enough
LOVE... His blood was shed, running through my veins washing my sins making me whole again. Above all else, His love never fails Nothing compares His love never fades...
The Bible tells me, HE LOVES ME. HIS LOVE IS ENOUGH... 📷😍📷😍📷😍

PAGOD

Tumatakbo pero walang nararating
Inialay ang buhay, hindi parin magiting
Ano ba talaga ang hangarin?
Masaya pa ba sa hakbangin?

Hanggang saan dadalhin?
Pangarap na nais abutin
Hanggang saan aabutin?
Pagasa na handang habulin

Kaya naman tanging hiling
Pangako Mo ay aking marating
Atensyon sa iba ay hindi mabaling
Nang sa gayo’y tagumpay ay hindi maiilibing ...

Monday, December 28, 2015


Christian Videos/Movies




                                                    Video: God's Outlaw William Tyndale Story 


                                                             Video: Charles Spurgeon Movie 

A very nice christian movie.
TITLE: The Climb
https://www.youtube.com/watch?v=vZzquf1PPT0


Sunday, December 20, 2015

Journey to the path of Grace by: Sophia Vien C. Andongo

I walked through the storms And climbed to the mountain so high I gazed to the filthy world And dived to the deadly road
I run to satisfy my immaturity I seek happiness from humanity But as I go through the journey This world only leave me empty
Abused and harshly treated Broken and deeply wounded Accused and fully terminated Tainted and really fainted
I thought that my destiny is to be filled with shame Until the day of salvation came No longer a slave but now I'm brave To finish the race with the communion of grace.

Thursday, December 3, 2015

December 3, 2015- Self-Worth

        I experienced being on top but later on, I realized that no thing and no one can ever satisfy the mighty love of God in my life. I was awaken by the fact that I am nothing... really nothing without God. Now, I don't care what people will say, I will hold on to what God has said even when all that's left in me will fade away. My self-worth does not come from my grades, not from people surrounding me, not from outward appearance and not from material possession- MY SELF WORTH COMES FROM GOD. #IamLoved

-Sophia Vien C. Andongo

Tuesday, October 13, 2015

Bilang isang mag-aaral ano ang iyong magagawa para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa?  

Para sa ating kagalang-galang na guro, mga butihing kamag-aral, at mga kaibigan. Isang magandang araw sa inyong lahat. Sa aking labing-anim na taong nabubuhay dito sa Pilipinas, napatunayan kong pinagpala ang ating bansa, hindi lamang sa angkin nitong yaman sa lupa pati narin sa yamang tubig at mineral ngunit lingid sa aking kaalaman ang kahirapan na nararansan ng ating mga kababayan sa iba't ibang lugar. Hindi ko nakita ang kadiliman na kanilang nararanasan dahil sa ako'y magaaral pa lamang. Ngunit sa simpleng paraan nais kong ipahatid sa inyo ang aking munting suhestiyon o ideya upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. 
Hindi man ako kasing yaman ng mga kilalang mga tao, matutulungan kong mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa apat na paraan. 
Una, Tatangkilikin ko ang sariling atin o ang sariling produkto ng Pilipinas. kapag ako'y bibili ng mga kagamitan sa eskwela, ng mga damit, o kahit pagkain. Naniniwala ako na sa simpleng paraan ay may naiambag iyon upang mapaunlad ang ating ekonomiya.
Pangalawa, Hindi ako magtatapong ng ultimo sentimo kung saan saan dahil alam kong may halaga parin ito. Hindi ko ikakahiya na magbayad ng sentimo dahil naniniwala ako na isa ito sa pinakamagandang maiaambag ko para sa bansa. 

Pangatlo, hindi ako magtatago ng pera sa alkansya sa kadahilanang sinisira nito ang tinatawag na "flow of money" ng isang bansa. Sa halip, babawasan na lamang ang mga walang kwentang pinaggagastusan upang mapagkasya ang pera at magamit sa tamang bagay. 
Pang-apat at panghuli, nais kong ipaalam sa inyo na kung maari ay pakihanap ang mga nawalang sentimo o barya upang matulungan ang mamamayan at sariling bansa. Dahil ako'y mag-aaral pa lamang, ang aking apat na nabanggit ay ang mga kaya kong gawin upang matulungan ang ating bansa sa simple at maliliit na paraan.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pag-unlad ng ekonomiya ang higit nating kailangan ngayon. Napag-iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa. Hindi napapanahon ang pagsisisihan ngayon. Sa kabila ng mga problema ng ating bansa, naging matatag naman ang ating pamahalaan sa pagtaguyod ng mga programa at proyekto nito at naging maayos ang takbo. Patuloy pa rin ang malinis na adhikain ng pamahalaan na pagsilbihan ang taumbayan.

Monday, July 20, 2015










     I sing for God's Glory. from Jesus Reigns Forever International Ministry. 

Minsan kaya nahihirapan tayo magmove on...

1. Dahil iniisip natin na wala ng mas better na darating. Nakafocus na tayo sa future na pinlano natin with him/her... pero paano yung plano...